Batanes Bishop nanawagan ng panalangin para sa mga apektado ng magkasunod na pagyanig sa Batanes

By Marlene Padiernos July 27, 2019 - 08:14 PM

Panalangin ang hiling ni Batanes Bishop Danilo Ulep para sa mga mamamayan ng Batanes na lubhang naapektuhan ng magkasunod na lindol na yumanig sa lugar at nagtala ng walong patay Sabado ng umaga, July 27,2019.

Patuloy pa aniya ang ginagawa nilang pag momonitor sa isla ng Itbayat sa Batanes dahil hanggang ngayon ay pahirapan pa rin ang pagpunta sa naturang lugar.

Nananalangin din ang Obispo na sana ay makagawa ng paraan ang gobyerno at mga militar upang makapaghatid ng tulong at makapagsagawa ng rescue mission sa nasabing lugar.

Patuloy pa aniya ang pagkalap nila ng mga impormasyon ukol sa lawak ng tinamong pinsala ng lalawigan dahil sa nangyaring pagyanig partikular na ang simbahan ng Itbayat na gumuho ang ilang bahagi at nagkabitak bitak ang pader.

Samantala, malakas at matibay na pananampalataya naman ang dalangin ni Bishop Ulep na nawa’y ipagkaloob ng Panginoon sa bawat isang naapektuhan sa nangyaring insidente lalong lalo na ang mga kaanak ng mga taong nasawi sa pangyayari.

 

TAGS: 2019, Batanes Bishop Danilo Ulep, Itbayat sa Batanes, July 27, kambal na lindol na yumanig sa isla kaninang umaga., 2019, Batanes Bishop Danilo Ulep, Itbayat sa Batanes, July 27, kambal na lindol na yumanig sa isla kaninang umaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.