Dalawang tower ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP ang pinasabog sa Mindanao.
Ayon sa grid operator unang pinasabog ang kanilang tower 25 sa Brgy. Gandamatu, Ramain, Lanao del Sur dakong 10:45 kagabi na nasa Agus 2- Kibawe 138KV line.
Ganap na 11:00 naman ng gabi nang pasabugin ang tower 95 na nasa Brgy. Aroman, Carmen, North Cotabato na nasa bahagi ng Kibawan-Kabakan 138 KV line 1 and 2.
Sinabi ng NGCP hindi pa natutukoy ang mga armadong suspek na responsable sa pagpapasabog sa mga tower.
Dahil sa pagpapasabog sa tower 25, isolated ang nasabing linya ng kuryente sa Agus 1 at Agus 2 Hydroelectric Power Plant.
Gayundin, 58 megawatts ang nawala sa Mindanao grid na nagdulot ng lalo pang kakapusan sa kuryente sa Mindanao.
Ito na ang ika-14 at ika-15 tower ng NGCP ang pinasabog ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.