Andi Eigenmann ipinasilip ang kauna-unahang closeup look ni Baby Lilo

By Marlene Padiernos July 27, 2019 - 07:37 PM

Proud na ipinasilip ng Actress na si Andi Eigenmann sa kauna-unang pagkakataon ang larawan ng kanyang malusog na baby girl.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng actress na ipinanganak si baby Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o Baby Lilo noong Tuesday, July 23, 2019.

Makikita sa post ni Andi na nakabalot ang cute na cute na si Baby Lilo sa kulay pink na tela habang natutulog.

Sa kanya namang IG story ay nag post ang actress ng collage pictures ng first day old na pictures ni Baby Lilo at ng kanyang panganay na si Ellie, na parehong namumula mula pa ang mga pisngi.

Samantala, inihayag naman ni Andi sa isa pa niyang Instagram post noong Biyernes na sumailalim siya sa C-section sa panganganak kay Baby Lilo, kaparehong procedure sa pagsilang niya sa panganay na anak kay Jake Ejercito na si Ellie.

Makikita ang saya at suporta ng kanyang boyfriend na si Philmar Alipayo at ng panganay na si Ellie sa isa pang picture na pinost ni Andi.

Plano naman nina Andi at Philmar na sa Siargao palakihin ang kanilang anak kung saan ay balak nilang magsimula bilang isang pamilya.

TAGS: andi eigenmann, baby Keliana Alohi Eigenmann Alipayo, Baby Lilo, panganay na anak kay Jake Ejercito na si Ellie, Philmar Alipayo, siargao, andi eigenmann, baby Keliana Alohi Eigenmann Alipayo, Baby Lilo, panganay na anak kay Jake Ejercito na si Ellie, Philmar Alipayo, siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.