Dagdag pondo para sa U.S.-Mexico border wall, aprubado na ng U.S. Supreme Court
Aprubado na ng U.S Supreme Court na gamitin ang military funding para sa karagdagang pondo sa ipapatayong pader na mag bubukod sa U.S. at Mexico o ang U.S-Mexico border sa Arizona, California at New Mexico.
Ang nasabing pondo ay nagkakahalaga ng $2.5 bilyon o humigit kumulang na 200 bilyong piso.
Buwan ng Pebrero ng isapubliko ni President Donald Trump ang kanyang planong itayo ang naturang pader kahit na tutol ang Kongreso dito.
Sa inilabas na pahayag ng U.S Supreme Court, sinabi nito na wala umanong sapat na dahilan at ebidensya upang magsampa ng kaso ang mga grupong tutol sa pagpapagawa ng nasabing pader na siya namang ikinagalak ng U.S. President.
Kasabay nito ay pumirma din si Trump sa kasunduan sa bansang Guatemala na pabagalin ang iligal na pagpasok ng mga dayuhan para magtago sa Estados Unidos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.