Kakulangan sa ensayo ng mga manlalaro ng Gilas Pilipinas, hindi ikinakabahala ni Coach Yeng Guiao

By Marlene Padiernos July 27, 2019 - 07:05 PM

Mas pinahigpit na paghahanda ang isinasagawa ngayon ni Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao para sa darating na 2019 FIBA Basketball World Cup.

Ito ay dahil sa kakulangan niya sa mga manlalaro dahil sa kasalukuyang isinasagawang PBA Commissioner semifinals.

Gayunpaman, siniguro parin ng mga PBA players na sila ay patuloy na makikiisa sa mga pag eensayo.

Una nang sinabi ni Guiao na aaraw-arawin na nila ang pag eensayo mula sa susunod na Linggo upang lubos na makapaghanda sa nasabing prestihiyosong torneyo na magsisimula na sa susunod na buwan.

 

TAGS: 2019 Fiba Basketball World Cup, coach Yeng Guiao, Gilas Pilipinas, PBA Commissioner semifinals., PBA players, 2019 Fiba Basketball World Cup, coach Yeng Guiao, Gilas Pilipinas, PBA Commissioner semifinals., PBA players

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.