Presyo ng petrolyo may dagdag-bawas sa susunod na linggo
Makaraan ang sunud-sunod na oil price hike ay magpapatupad naman sa susunod na linggo ng dagdag-bawas sa kanilang presyo ang mga kumpanya ng langis.
Sinabi ng ilang industry player na magkakaroon ng malaking bawas-presyo sa halaga ng gasolina samantalang may maliit naman na dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.
Inaasahang maglalaro sa pagitan ng P1.00 hanggang P1.15 kada litro ang bawas sa bawat litro ng gasolina.
Samantalang P0.10 naman ang dagdag sa bawat litro ng diesel at kerosene.
Ang nasabing dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ay resulta pa rin ng malikot na presyo ng oil products sa world market.
Sa Martes ng umaga inaasahang ipatutupad ang naturang price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.