Ipinag-utos na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang imbestigasyon kaugnay sa katiwalian sa loob ng Bureau of Customs (BOC).
Ito ay bilang pagsunod na rin sa naging utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan at kasuhan ang mga Customs officials na sangkot sa mga anomalya sa ahensya.
Sa kanyang State of the Nation Address ay sinabi ng pangulo na isa sa ng BOC sa pinaka-corrupt na ahensya ng pamahalaan.
Ito rin ang nagtulak kung kaya’t pinagbitiw niya sa pwesto ang higit sa 60 na mga tauhan ng BOC.
Sa kanyang Department Order 383 ay inatasan ng kalihim ang National Bureau of Investigation (NBI) na alamin ang lalim ng katiwalian sa ahensya.
Nauna dito ay lumabas ang mga ulat na tuloy pa rin ang Tara system o yung regular na paglalagay sa BOC para mailabas ang ilang mga kalakal o kontrabando.