Inihayag ng pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kanilang kakausapin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para kumbinsihin ang pangulo na muling pag-aralan ang kanyang desisyon na ipatigil ang operasyon ng lotto, small town lottery, Keno at Peryahan ng bayan na pinangangasiwaan ng PCSO.
Ito ang kanilang tugon makaraang ipag-utos ng pangulo ang pagpapatigil sa lahat ng mga sugal na nasa ilalim ng PCSO simula ngayong araw na ito.
Sa kanilang video statement, sinabi ng mga PCSO officials na kanilang sinusuportahan ang anti-corruption drive ng pamahalaan pero nakiusap na huwag naman sanang madamay ang buong operasyon ng ahensya.
Malaki umano ang magiging epekto ng tigil-operasyon sa mga beneficiaries ng tulong mula sa PCSO lalo na ang mga may sakit.
“Pursuant to the order of the President suspending PCSO’s gaming activities, the PCSO board directs compliance to said instruction until further notice,” ayon sa kanilang advisory.
Kaninang umaga ay ipinakalat na rin ang mga tauhan ng Philippine National Police sa mga lotto, STL at Peryahan ng Bayan outlets para tiyakin na hindi sila magbubukas simulang ngayong araw na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.