Jennylyn Mercado at Dennis Trillo nakipag-jamming sa mga bulag na singer sa LRT

LRT photo

Nakipag-jamming ang real-life sweethearts na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa mga visually impaired singers sa LRT-1 Roosevel Station.

Sa larawan na ipinost ng Light Rail Manila Corporation sa kanilang Facebook account, makikita ang dalawang Kapuso stars kasama ang PWD singers.

Ang mga mang-aawit na ito ay makikita sa araw-araw sa LRT station para humingi ng kaunting tulong sa mga pasahero ng tren.

Ang lahat ng nalikom na pera nina Jennylyn at Dennis ay ipinagkaloob nila sa mga PWDs.

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng LRT dahil nagbigay din ng aliw sa mga pasahero ang ginawa ng celebrity couple.

 

 

Read more...