Batanes bibisitahin ni Duterte makalipas ang naganap na lindol

By Den Macaranas July 27, 2019 - 01:45 PM

Itbayat LGU

Tiniyak ni Executive Sec. Salvador Medialdea na pupunta sa Batanes si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa naganap na lindol sa nasabing lalawigan.

Kasabay nito ay sinabi ng kalihim na kaagad na ipinag-utos ng pangulo ang mabilis na pagpapadala ng tulong sa mga nabiktima ng pagyanig.

Dagdag pa ni Medialdea, “Our PAF [Philippine Air Force] C295 already took off for Batanes at 9:18 a.m. bringing medical and rescue teams. We are planning for next sortie in coordination with Region 2 OCD (Office of Civil Defense).”

Pasado alas-kwatro ng umaga kanina nang yanigin ng magnitude 6.4 lindol ang lalawigan partikular na ang bayan ng Itbayat.

Makalipas ang ilang oras ay isang magnitude 5.9 na lindol na namam ang naramdaman sa halos ay kaparehas rin na mga lugar.

Sinabi ng Philvocs na asahan ang mga serye ng aftershocks pero pinawi naman nila ang posibilidad ng pagkakatoon ng tsunami sa lugar.

Ang naganap na lindol sa Batanes ay halos kasaba ng isinagawang earthquake drill sa Metro Manila kanilang madaling-araw bilang paghahanda pa rin sa “the big one”.

TAGS: basco, batanes, itbayat, lindol, Philvocs, basco, batanes, itbayat, lindol, Philvocs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.