Angelica Panganiban inilabas na ang tungkol kay ‘Baby Puding’

Pocholo Barretto IG

Tila kinumpirma na ng aktres na si Angelica Panganiban ang nababalitang relasyon nito sa kaibigan at aktor na si Cholo Barretto.

Sa kanilang Instagram photos ay makikita ang pagiging sweet ina Angelica at Cholo, dahilan kaya sila ay naging hot item.

Una itong itinanggi ni Angelica pero dahil ilang beses na ang date ng dalawa ay lalong umugong ang isyu na sila na nga.

Sa kanyang post ay may mensahe si Angelica sa kanyang tinawag na “Baby Puding.”

Sinamahan pa niya ito ng caption na “Now it’s out.”

Bago dito ay lumabas naman ang isang video kung saan mapapanaood na sumagot si Angelica ng yes sa tanong ni Cholo.

Sinabihan pa ng dalaga ang binata ng katagang magkakagulo ang mundo.

Noong Hunyo pa nabalita na may bago nang minamahal si Angelica matapos na magpunta sila ni Barretto sa Siargao.

Pinagtawanan lamang ito ni Angelica at sinabi pa niya na laging may anggulong romantiko ang mga fans sa kanyang buhay.

Pero sa pinakahuling posts ng dalawa, nagpahatid ng pagbati si Angel Locsin sa anyay bagong “couple.”

 

Read more...