Pulis sa Italy, pinagsasaksak ng mga magnanakaw na American citizens

By Rhommel Balasbas July 27, 2019 - 04:01 AM

Credit: CARABINIERI

Dalawang American citizens ang inaresto matapos masawi ang isang pulis sa pananaksak sa Rome, Italy, araw ng Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Mario Cerciello Rega, 35, miyembro ng Carabinieri police force.

Kasama ni Cerciello Rega ang isa pang pulis ng kumprontahin ang dalawang hinihinalang magnanakaw sa Prati district.

Pinaniniwalaang isang grupo ng kalalakihan ang sangkot sa pagnanakaw sa isang bag ng lalaki.

Nag-alok ang mga suspek na makipagkita sa biktima at ibabalik ang bag kapalit ng 100 euros.

Dalawang lalaki ang lumitaw ngunit ang mga pulis ang nakipagkita sa kanila.

Biglang naglabas ng kutsilyo ang isa sa mga lalaki at pinagsasaksak si Cerciello Rega bago tuluyang umalis.

Ayon sa ilang ulat ng Italian media, maaaring ang dalawang Amerikanong nahuli ay sangkot sa pagnanakaw ngunit hindi sila ang sumaksak sa biktima.

 

TAGS: italy, patay sa saksak, Pulis, italy, patay sa saksak, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.