TNT naunahan ng panalo ang Ginebra sa PBA semis

By Len Montaño July 27, 2019 - 03:22 AM SHARE(S):
Tristan Tamayo, Inquirer.net

Mas nanaig ang bangis ng TNT para makauna ng panalo kontra Barangay Ginebra sa Game 1 ng kanilang semi-finals series sa PBA Commissioner’s Cup sa score na 95-92.

Nagpakitang-gilas si KaTropa import Terrence Jones sa depensa at opensa sa ginawa nitong 24 points, 12 rebounds, pitong assists at apat na blocks.

Dahil dito ay may kartadang 1-0 ang TNT sa best of 5 semis series.

Matapos ang 22 pagkakataon na nagbago kung sino ang lamang, naging dikitan na ang laro lalo na sa fourth quarter.

Ayon kay Coach Bong Ravena, malaking tulong ang depensa ng kanyang mga players hanggang sa huling bahagi ng laban.

Sa panig naman ng Ginebra, nanguna si Justin Brownlee sa naitala nitong 23 points, 15 rebounds at siyam na assists pero isang punto lamang ang naibigay nito sa Gin Kings sa huling kwarter kung kailan bumulusok na ang kalaban.

Tig 18 puntos naman ang ginawa nina LA Tenorio at Stanley Pringle habang nagdagdag si Joe Devance ng 11 points.

 

TAGS: 1-0, 2019 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra, best of 5, Coach Bong Ravena, Gin Kings, KaTropa, semi-finals, Terrence Jones, TNT, 1-0, 2019 PBA Commissioner's Cup, Barangay Ginebra, best of 5, Coach Bong Ravena, Gin Kings, KaTropa, semi-finals, Terrence Jones, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.