Maraming pamilya nagsalu-salo sa Quezon City Memorial Circle para sa Noche Buena
Kasabay ng pagdiriwang ng Pasko sa pamamagitan ng pagsasalu-salo sa Noche Buena kagabi maraming pamilya ang nagtipon sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.
Ngayong umaga, tambak naman ang basurang iniwan ng mga nagtungo sa sa nasabing lugar.
Karamihan sa mga basura ang plastic, mga styrofoam at mga pambalot ng pagkain.
Agad naman na nagtungo sa lugar ang mga street sweeper ng Department Public Order and Safety ng Quezon City hall para linisin ang pasyalan.
Ngayong araw, December 25, inaasahang dadagsa pa ang magtutungo sa Quezon Memorial Circle para magdiwang ng Pasko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.