Iloilo City isinailalim na sa state of calamity dahil sa dengue
Nagdeklara ng state of calamity sa Iloilo City araw ng Biyernes dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Inaprubahan ng city council ang resolusyon para sa pagdedeklara ng state of calamity matapos umabot sa 1,119 ang kaso ng dengue sa lungsod mula noong January 1 hanggang July 20.
Ayon sa Epidemiology and Surveillance Unit ng City Health Office, siyam na ang nasasawi dahil sa mosquito disease.
Dahil sa deklarasyon, magagamit na ng Iloilo City ang quick response fund nito para sa emergency procurement ng fogging machines, dengue test kits, larvicides at iba pang gamit.
Samantala, sinabi ni Councilor Lady Julie Grace Baronda na maaari ring humingi ng financial assistance ang dengues patients sa City Social Welfare and Development Office.
Nagsasagawa ng malawakang clean-up campaign ang city government para puksain ang pinamumugaran ng mga lamok na may dalang dengue.
Una rito ay nagdeklara na ang provincial board ng Iloilo ng state of calamity araw ng Miyerkules dahil sa paglobo ng kaso ng dengue sa buong lalawigan.
Simula January 1 hanggang July 13, umabot na sa 6,806 ang kaso ng dengues sa Iloilo kung saan 23 ang nasawi ayon sa Provincial Health Office.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.