Ayon sa LTFRB, dalawa ang classification ng premium taxi, ito ang silver at gold.
Nasa 30 units ng premium taxi ang minimum fleet requirement para makapag-apply.
Nasa ilalim ng silver ang mga sedan, multi-purpose vehicle at utility van habang ang mga high-end na sedan, SUV at premium utility van ay gold.
Kabilang sa requirements o dapat maging high-tech features ng premium taxi ang libreng wi-fi, dash cam, CCTV GPS at navigational system gayundin ang unipormado at swelduhang mga driver.
Cashless din ito at may automatic fare collection system.
Mas mahal nga lang ang pamasahe sa premium taxi dahil ang magiging flagdown rate ng silver ay P50 at P60 naman sa gold.
Nasa P17.50 ang singil sa kada kilometro ng silver habang P20.50 sa gold.
Ang kada minuto naman ay papatak ng P2.50 sa silver habang sa gold ay P3.00.
Pabor ang ilang pasahero sa premium taxi kung convenience anila ang pag-uusapan.
Ang ilang taxi drivers naman ay hati ang reaksyon dahil lalong liliit anila ang kanilang kita pero ang iba naman ay nagsabi na dodoblehin na lang nila ang kanilang sipag sa pasada.