Bagong traffic scheme ipapatupad sa Barangay Sikatuna Village sa QC

By Noel Talacay July 26, 2019 - 11:42 PM

Inaprubahan ng Quezon City Government ang isang ordinansa na magpatutupad ng bagong traffic scheme sa Barangay Sikatuna Village para masolusyonan ang problema sa traffic sa nasabing lugar.

Nakapaloob sa City Ordinance 2853-2019 na ang mga pampublikong sasakyan, trak at bus ay hindi na maaaring pumasok sa Barangay Sikatuna Village.

Ipatutupad ang one way traffic sa Mahiyain St., Matipid St., Maimpok St., Masunurin St., Anonas, Maamo St., Matino St., at Madasalin St.

Maaari naman magparada ng saksakyan sa No. 15 to No. 18 ng Matipid St., Maamo St. kanto ng Mahiyain St. papuntang No. 158 Matimtiman St., at kanto ng Madasalin St. hanggang No. 54 Madasalin St.

No parking sa Malihim St. kanto ng Anonas hanggang, kanto ng Maamo St., kanto ng Mapagkawanggawa St. (both sides), Maningning St.  kanto ng V. Luna hanggang kanto ng Maamo Street (both sides), Anonas Extension both sides, Mapagkumbaba Street both sides.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang mga punong barangay, barangay kagawad, chairperson on peace and order, at Barangay Public Safety Officer ay inatasan na magpatupad sa nasabing bagong traffic scheme.

 

 

TAGS: Barangay Sikatuna Village, Mayor Joy Belmonte, ordinansa, quezon city, Quezon City government, traffic, traffic scheme, Barangay Sikatuna Village, Mayor Joy Belmonte, ordinansa, quezon city, Quezon City government, traffic, traffic scheme

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.