Isabela nagkasa ng malawakang paglilinis kontra dengue

By Len Montaño July 26, 2019 - 11:31 PM

Isabela Pio photo

Nagsagawa ang lalawigan ng Isabela ng malawakang paglilinis bilang kampanya laban sa dengue.

Ito ay matapos na umabot sa 2,583 ang mga nagkasakit ng dengue sa probinsya mula Enero hanggang ngayong Hulyo.

Ayon sa Provincial Health Office, sa naturang bilang ay 15 pasyente na ang namatay.

Pangunahing minomonitor ng provincial government ang Ilagan City.

Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Nelson Paguirigan, halos 130% ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan kumpara noong nakarang taon.

Nakakaalarma anya ito lalo’t patuloy ang pagdami ng mga nagkakasakit.

Dahil dito ay kinansela ang mga klase araw ng Biyernes at nagsanib-pwersa ang mga residente at naglinis sa mga bahay, eskwelahan at ilang lugar.

Tumulong din ang pribadong sektor gayundin ang militar sa paglilinis.

TAGS: Dengue, isabela, naglinis, Provincial Health Office, Dengue, isabela, naglinis, Provincial Health Office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.