Heavy hanggang intense na pag-ulan mararanasan sa Metro Manila, Laguna at Zambales

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 08:37 PM

Makararanas ng malakas na buhos ng ulan ang Metro Manila, Laguna at Zambales sa susunod na dalawang oras.

Ayon sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 8:25 ng gabi, heavy hanggang intense na pag-ulan ang mararanasan sa nabanggit na mga lugar.

Ganitong kondisyon na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng San Miguel, San Ildefonso, Dona Remedios Trinidad, at Norzagaray sa Bulacan; Rodriguez, Rizal; General Nakar, Polilio, Pagbilao, Atimonan, padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon at Lopez sa Quezon.

Dalawang oras kadalasan ang itinatagal ng pag-ulan na dulot ng thunderstorm.

Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko sa magiging epekto ng malakas na buhos ng ulan.

TAGS: heavy to intense rains, laguna, Metro Manila, Pagasa, thunderstorm advisory, zambales, heavy to intense rains, laguna, Metro Manila, Pagasa, thunderstorm advisory, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.