5 Vietnamese national naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Butuan

Iprinisinta ang limang Vietnamese national na naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa Butuan City.

Sa pinagsanib-pwersang operasyon ng Police Regional Office sa Caraga (PRO-13) at Department of Environment and Natural Resources (DENR-13), nakuha sa mga suspek ang ilang kilo ng Agarwood, isang uri ng endangered tree, na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Maliban dito, nakuha rin ng mga otoridad ang P5.8 milyong cash sa mga suspek.

Nakilala ang mga suspek na sina NguyÊn Thi Chung, 40-anyos; DiÊl Thi BÍch HÒa, 45-anyos; at VŪ VÃn Trang, 34-anyos.

Naaresto ang mga suspek sa Grand Palace Hotel sa Purok 1, Barangay Imadejas araw ng Biyernes.

Sa follow-up operation, nahuli sina Tu Quoc Vu, 35-anyos, at To Tien Phat, 22-anyos, matapos inspeksyunin ang kanilang mga bag sa Butuan airport.

Narekober sa dalawa ang 20 kilos ng hiwa-hiwalay na Agarwood at mahigit P4 milyong cash.

Read more...