Lima patay, isa sugatan sa naaksidenteng truck sa Negros Oriental

By Noel Talacay July 26, 2019 - 08:08 PM

Patay ang limang lalaki at isa ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakayan nitong truck sa Barangay Mayabon, bayan ng Zamboanguita, Negros Oriental.

Ayon sa ulat ng Zamboanguita Fire Station, lulan ng trak ang anim na lalaki at ang mahigit 100 na mga baboy.

Pasado alas 12:00 ng tanghali nangyari ang nasabing insedente.

Nahirapan ang mga rumesponde sa insidente dahil may lalim ang bangin ng 40 hanggan 60 meters at pumailalim pa sa trak ang mga biktima.

Tanging ang driver lang ng trak ang nakaligtas sa nasabing insedente at kasalukuyan itong ginagamot dahil sa matiding pinsalang natamo nito sa katawan.

Patuloy paring inaalam ng mga pulis ang sanhi nasabing aksidenete at matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

TAGS: Negros Occidental, truck accident, Zamboanguita, Negros Occidental, truck accident, Zamboanguita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.