P170K na halaga ng shabu nakumpiska sa Quezon City

QCPD Photo

Nasamsam ng mga otoridad ang 25 gramo na hinihinalang shabu matapos ang ikinasang buy-bust operation ng Quezon City Police sa Barangay Sta. Teresita lungsod ng Quezon.

Kinilala ang suspek na si Bryan Dudle, alyas “Bryan Taba”, 25-anyos, at residente ng Barangay Malibay Pasay City.

Ayon sa mga pulis, may kabuuang halaga na P170,000 ang nakuhang shabu sa suspek.

Nasamsam din sa suspek ang isang piraso ng P1,000 bill at P75,000 na ginamit bilang buy-bust money.

Ginawa ang nasabing operasyon banagdang alas 9:25 ng umaga ng Biyernes (July 26) ng pinagsanib-pwersa ng Quezon City Police District – Drug Enforcement Unit at National Capital Region-Philippine Drug Enforcement Agency.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...