Indian patay sa pananambang sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 07:33 PM

Nasawi ang isang Indian national makaraang pagbabarilin sa Purok 5, Barangay Talisayan, Zamboanga City.

Nangyari ang pananambang ala 1:30 ng hapon ng Biyernes, July 26.

Ayon kay Police Major Chester Natividad, hepe ng Police Station 9, nakilala ang biktima na si Singh Narinder, isang negosyante at naninirahan sa Barangay Tumaga.

Ayon sa ilang testigo, sakay ng motorsiklo si Narinder nang siya ay tambangan ng riding-in-tandem.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos ang pananambang.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.

Inaalam kung may kaugnayan ang pananambang sa negosyong pagpapautang ng dayuhan.

TAGS: ambush, Radyo Inquirer, Zamboanga City, ambush, Radyo Inquirer, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.