Layon ng kanyang Senate Bill 258 na mabigyan ng exemption sa value added tax o VAT ang mga gamot para sa mga mental health patients.
Aniya nais niyang maamyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997 para maging VAT-free ang mga gamot para sa mga may kondisyon sa pag-iisip base na rin sa Mental Health Act.
Banggit ni Pangilinan higit sa 10 porsiyento ng daily minimum wage ang halaga ng anti-depressant drug at aniya ang mga gamot na may mental health conditions ay hindi kasama sa Philhealth coverage.
Sinabi pa ng senador ang mental health conditions ay pangatlo sa nangungunang sakit ng mga Filipino.