Sen. Pangilinan ipinanukalang ibaba ang presyo ng mental health drugs
Naghain ng panukala si Senator Francis Pangilinan na layon mabawasan ang presyo ng mga gamot para sa mga may mental health conditions.
Layon ng kanyang Senate Bill 258 na mabigyan ng exemption sa value added tax o VAT ang mga gamot para sa mga mental health patients.
Aniya nais niyang maamyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997 para maging VAT-free ang mga gamot para sa mga may kondisyon sa pag-iisip base na rin sa Mental Health Act.
Banggit ni Pangilinan higit sa 10 porsiyento ng daily minimum wage ang halaga ng anti-depressant drug at aniya ang mga gamot na may mental health conditions ay hindi kasama sa Philhealth coverage.
Sinabi pa ng senador ang mental health conditions ay pangatlo sa nangungunang sakit ng mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.