Presidente at CEO ng UCPB nagbitiw sa pwesto

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 06:33 PM

Nagbitiw sa pwesto ang president at CEO ng UCPB o United Coconut Planters Bank.

Kinumpirma ng UCPB sa isang statement ang pagbibitiw na sa pwesto ng presidente at CEO nilang si Higinio Macadaeg Jr.

Ang resignation ni Macadaeg ay may petsang July 25, 2019.

Ang UCPB ay isang government-controlled bank kaya magiging epektibo ang resignation ni Macadaeg sa sandaling tanggapin ng pangulo ang kaniyang pagbibitiw.

Tiniyak ng UCPB sa kanilang mga kliyente na hindi maapektuhan ang kanilang operasyon ng pagbibitiw ni Macadaeg.

Wala namang binanggit sa pahayag ng UCPB sa kung ano ang dahilan ng resignation.

TAGS: bank, Higinio Macadaeg Jr, President and CEO, UCPB, bank, Higinio Macadaeg Jr, President and CEO, UCPB

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.