Ilang kalsada sa EDSA, C5 at Katipunan sasailalim sa repair ng DPWH

By Jan Escosio July 26, 2019 - 06:29 PM

Simula alas 11:00 ngayon gabi ng Biyernes (July 26) ay hindi na madadanan ng mga motorista ang ilang bahagi sa ilang pangunahing lansangan, kasama na ang EDSA, dahil sa gagawing reblocking at repairs ng Department of Public Works Highways (DPWH).

Sa EDSA Southbound portion aayusin ang pangalawang linya mula bangketa simula Roosevelt Avenue hanggang Bansalangin street; ang outer lane ng EDSA Magallanes-Baclaran bus stop hanggang Magallanes-Alabang bus stop.

Gayundin ang EDSA Eugenio Lopez St., hanggang Scout Borromeo, maging ang EDSA northbound portion bago sumapit sa New York street.

Aayusin din ang Southbound portion pangalawang linya mula sa bangketa ng Katipunan Avenue hanggang Quirino Memorial Medical Center at ang pagitan ng West Avenue at Philam Village sa EDSA.

May bahagi din sa Eastbound portion ng Quirino Highway, mula Junji St., hanggang Teresa Heights; Gen. Luis St., hanggang Pascual Road at ang pang-pitong linya ng Elliptical Road bago ang Commonwealth Avenue.

Sa Northbound portion naman, may aayusin din ang Regalado Avenue mula sa Mindanao Avenue at Quirino Highway at sa C-5 Road bago sumapit sa Kalayaan Avenue extension.

Bubuksan muli ang mga naturang kalsada ala-5 ng madaling araw sa darating na Lunes, Hulyo 29.

Inaabisuhan ang mga maapektuhan motorista na humanap na lang ng madaraanan na alternatibong kalsada.

TAGS: DPWH, Radyo Inquirer, road reblocking, road repairs, DPWH, Radyo Inquirer, road reblocking, road repairs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.