Novak Djokovic nag-back out sa Rogers Cup

Nag-back out ang Top-ranked Tennis player na si Novak Djokovic sa Rogers Cup.

Sa inilabas na pahayag, ipinaliwanag ni Djokovic na nais niyang bigyan ng mas mahabang panahon ang kanyang katawan para makapagpahinga.

Sang-ayon naman aniya sa kaniyang desisyon ang buong team.

Nagpasalamat din ang four-time champion sa kaniyang mga kaibigan na patuloy na sumusuporta at umaalalay sa kaniya.

Umaasa aniya siyang makakabalik para makapaglaro sa Montreal.

Dahil sa pag-back out ni Djokovic, si Rafael Nadal na ang top seed para sa event na magbubukas sa IGA Stadium sa August 2, 2019.

Nakuha ni Djokovic ang kaniyang pang-labing anim na Grand Slam title matapos magwagi sa Wimbledon Cup.

Read more...