Pagdami ng Chinese nationals sa bansa hindi dapat ikabahala – PNP
Walang dapat ikabahala ang mga Filipino sa pagdami ng mga Chinese national sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Inihayag ito ng PNP matapos iparating ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa tumataas na bilang ng mga Chinese national sa bansa.
Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesman Brig.Gen. Bernard Banac na hindi dapat mangamba ang mga Pinoy dahil maganda ang ugnayan ang Pilipinas at China.
Aniya, under control ang sitwasyon ng pagdating ng mga Chinese national sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.