Batas na lilikha sa National Commission of Senior Citizens nilagdaan na ni Pangulong Duterte
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na lilikha sa National Commission of Senior Citizens.
Ginawa ng pangulo ang paglagda sa Republic Act 11350 kahapon July 25 at ngayong araw ibinahagi sa media ang kopya nito.
Sa ilalim ng nasabing batas, ia-abolish na ang National Coordinating and Monitoring Board, na nilikha sa bisa ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.
Ang bubuuing komisyon ay mayroong chairperson at anim na commissioners mula sa iba’t ibang rehiyon na ia-appoint ni Pangulong Duterte.
Ang NCSC naman ang magtatalaga ng kanialng executive director na magiging responsable sa pagpapatupad ng mga polisiya, regulasyon, at direktiba ng komisyon.
Nakasaad din sa bagong batas, ang mga aktibidad, tungkulin, at programa ng Department of Social Welfare and Development na para sa mga mahihirap, vulnerable at disadvantaged senior citizens ay ililipat sa NCSC.
Bahagi din ng trabaho ng komisyon ang magtatag at mag-mentina ng kooperasyon, makipag-ugnayan sa LGUs, at national government agencies sa lahat ng usapi na may kaugnayan sa pangangalaga ng mga senior citizen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.