Balik-Pilipinas ang international singer na si Jessica Sanchez.
Sa Instagram, nag-post ang kaniyang talent manager na si Carlo Orosa ng larawan ng pagdating ng singer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, araw ng Huwebes (July 25).
Ayon kay Orosa, magkakaroon ng guest appearance si Jessica sa finale ng “Idol Philippines” sa ABS-CBN Network ngayong weekend.
Kabilang sa mga maghaharap para makuha ang unang titulo bilang ‘Idol Philippines’ ay sina Lance Busa, Lucas Garcia, Dan Ombao, Zephanie Dimaranan at Miguel Odron.
Si Jessica ay nagtapos bilang first runner-up sa 11th season ng “American Idol” taong 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.