Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, hinihiling niya na mabago ang Implementing Rules and Regulation ng RA 11100 o ang Social Security Act.
Gusto ng kalihim na masimulan ang paghuhulog ng kontribusyon ng OFW tatlong buwan matapos siyang magsimula sa kanyang trabaho sa ibang bansa.
Katuwiran pa ni Bello ang mga Filipino na bago pa lang sa kanilang trabaho sa ibang bansa ay hindi pa agad maaring maituring na OFW.
Paliwanag pa nito ang isang manggagawa na wala pang overseas employment certificate o OEC ay hindi pa OFW kayat hindi pa sila sakop ng complusary coverage ng SSS.
Sinabi din ni Bello na bukas naman ang pamunuan ng SSS sa kanyang posisyon.