WATCH: Rep. Dagooc hinamong magbitiw kasunod ng bomb joke sa NAIA

By Erwin Aguilon July 26, 2019 - 04:05 PM

Hinamon ni House Minority Leader Benny Abante si APEC Partylist Rep. Sergio Dagooc na magresign na bilang kongresista kasunod ng di wastong inasal nito sa NAIA.

Ayon kay Abante, kung hindi kaya ni Dagooc na umakto ng tama bilang isang mambabatas mas makabubuting mag-resign na lamang ito.

Sinabi nito na hindi tama ang ginawa ng kasamahang mambabatas.

Dapat anyang isipin ng mga kongresista na nakatingin sa kanila ang sambayanan kaya huwag anyang sila mismong mga mambabatas ang humila pababa sa institusyon.

Sinabi ni Abante na malaki ang epekto ng inasal ng mambabatas sa institusyon ng Mababang Kapulungan dahil ikalawa ng itong insidente kasunod ng panununtok ni Ang Probinsyano Rep. Alfred Delos Santos.

Huwebes ng gabi, pinigil sa NAIA si Dagooc matapos nitong sabihin na mayroon siyang dalang bomba pero pinauwi rin matapos dumating ang kanyang abogado at sabihin na hindi ito maaring arestuhin dahil sa immunity habang may sesyon kung ang nagawang krimen at may parusang pagkakakulong ng hindi tataas sa anim na taon.

TAGS: apec party list, bomb joke, NAIA, rep sergio dagooc, apec party list, bomb joke, NAIA, rep sergio dagooc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.