Robredo at iba pang respondent sa sedition case ipinatawag na sa preliminary investigation ng DOJ
Ipinatawag na ng Department of Justice (DOJ) si Vice President Leni Robredo at iba pang respondent sa kasong sedition at inciting to sedition na isinampa ng Philippine National Police (PNP).
Itinakda ng DOJ ang preliminary investigation sa kaso sa August 9, alas 10:00 ng umaga.
Maliban kay Robredo kasama ring pinadalhan ng summon sina Senators Leila De Lima at Risa Hontiveros, at dating senador Antonio Trillanes IV.
Respodent din sa kaso sina Otso Diretso senatorial candidates Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Florin Hilbay, Romulo Macalintal at Erin Tañada.
Maliban sa kanila maraming iba pang kasama sa kaso kabilang ang ilang mga obispo at pari.
Sinabi na ng kampo ni Robredo na handa itong harapin ang reklamo.
Tiniyak naman ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang patas na pagtrato sa kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.