P4.4M na halaga ng shabu nakumpiska sa Negros Occidental
Aabot sa P4.4 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa Talisay City, Negros Occidental.
Ikinasa ng mga tauhan ng PDEA – Negros Occidental Provincial Office ang operasyon katuwang ang PDEA Antique at Talisay City Police Station.
Naaresto sa nasabing operasyon ang target na si Rhodora Hamantoc alyas “Neneng Dadong” sa Brgy. Matab-ang.
Nadakip din ang mga kasamahan niyang sina Eul Vincent Suanico, Ellan Vhone Escober at Robert Discutido.
Nakumpiska sa mga suspek anim na malalaking packs at 16 na sachet ng hinihinalang shabu.
Tinatayang 650 grams ang bigat nito at aabot sa P4,420,000.
Mahaharap ang apat sa kasong paglabag sa Section 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.