Construction site ng Bicol International Airport inatake ng NPA

Inatake ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang construction site ng Bicol International Airport sa Daraga, Albay.

Ayon kay Major Ricky Aguilar, public affairs chief ng 9th infantry Division ng Philippine Army, alas 10:05 ng umaga ng Biyernes (July 26) nang iulat sa kanila ang pagsabog sa construction site sa ginagawang paliparan sa Barangay Alobo.

Agad ipinadala sa lugar ang grupo ng mga sundalo sa kalapit na detachment area.

Inabutan pa ng mga sundalo ang mga rebelde at nagkaroon ng palitan ng putok.

Ayon kay Aguilar, napinsala sa pagsabog ang dump truck na pag-aari ng E.M Cuerpo Inc., at ginagamit sa konstruksyon.

Wala namang binanggit si Aguilar kung may naarestong rebelde.

Read more...