Pamunuan ng Kentex pinagbabayad ng Korte Suprema ng P1.4M sa kanilang manggagawa

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 03:16 PM

Kentex Manufacturing Corp. / Inquirer File Photo
Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nag-aatas sa Kentex Manufacturing Corp. na bayaran ng P1.4 million ang 57 underpaid nilang mga manggagawa.

Sa naging desisyon noon ng DOLE, may pananagutan ang opisyal ng Kentex na si Ong King Guan sa mga empleyado nito.

Bahagi ng P1.4 million ang underpayment sa basic wages ng mga empleyado, premium pay, night shift at overtime pay, mga hindi nabayarang COLA at regular holiday pay.

Iniakyat sa SC ang kaso matapos baligtarin ng Court of Appeals ang utos ng labor department.

Ang nasabing kaso laban sa Kentex ay bukod pa sa kinakaharap nitong kaso sa Mataas na Hukuman kaugnay sa sunog na naganap sa kanilang pabrika sa Valenzuela City noong 2015 na ikinasawi ng 72 nilang manggagawa.

TAGS: dole order, kentex manufacturing corporation, labor case, Supreme Court, dole order, kentex manufacturing corporation, labor case, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.