Sports car nasunog sa NLEX

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 02:41 PM

Isang mamahaling sasakyan ang nagliyab habang binabaybay ang northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX),

Nangyari ang insidente sa bahagi ng Candaba Viaduct, Pampanga Biyernes (July 26) ng umaga.

Ayon sa NLEX Traffic Control Room, huminto muna ang kotse sa outermost lane at bumaba ang driver.

Pagkatapos nito ay nagsimula nang magliyab ang unahang bahagi ng sasakyan.

Kinailangang isara sa daloy ng traffic ang dalawang linya ng kalsada habang inaapula ang apoy.

Hindi rin agad nahatak ang sasakyan kaya nagsikip ang daloy ng traffic sa lugar.

TAGS: candaba, fire incident, NLEX, Pampanga, sports car, traffic, candaba, fire incident, NLEX, Pampanga, sports car, traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.