Convenience store malapit sa isang unibersidad sa Maynila binalaan ni Mayor Isko Moreno dahil sa pagbebenta ng alak

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 02:09 PM

Sorpresang binisita ni Manila Mayor Isko Moreno ang isang convenience store malapit sa isang unibersidad sa Maynila.

Ito ay makaraang ipag-utos ni Moreno ang kanselasyon ng business permits ng mga tindahan sa Maynila na nasa 200-metro ang lapit sa mga paaralan at nagbebenta ng alak.

Sa kaniyang pagbisita sa isang convenience store pinaalalahanan nito ang mga dinatnan niyang staff na bawal silang magbenta ng alak.

Ani Moreno bibigyang pagkakataon pa niya ang mga tindahan na makasunod sa kautusan.

Paalala ni Moreno sa lahat ng tindahan, kung sila ay nasa 200-meters range sa mga paaralan sa Maynila ay hindi sila maaring magtinda ng alak.

TAGS: convenience store, Isko Moreno, manila, convenience store, Isko Moreno, manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.