PAGASA nagtaas ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Makararanas ng katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Bataan, Rizal at Bulacan.

Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:17 ng hapon, iiral ang sama ng panahon sa susunod na dalawang oras.

Maliban sa mga nabanggit na lugar, apektado rin ang Mayantoc, San Jose, Capas at Bamban sa Tarlac; Carranglan sa Nueva Ecija; Santa Cruz, Candelaria at Masinloc sa Zambales.

Uulanin din ang General Nakas, Tayabas at Atimonan sa Quezon; Magalang, Mabalacat, Bacolor at San Fernando sa Pampanga; maging ang Rizal at Nagcarlan sa Laguna.

Babala ng weather bureau, maging maingat sa posibleng pagbaha at landslide.

Read more...