Pag-veto ni Pangulong Duterte sa Security of Tenure bill ikinatuwa ng grupo ng employers
Ikinatuwa ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ang pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang Security of Tenure bill.
Ayon kay ECOP president Sergio Ortiz-Luis, natutuwa ang kanilang grupo na nagkaroon na ng pinal na pasya ang pangulo sa panukala.
Iginiit ng ECOP na ang Security of Tenure bill ay magreresulta lang sa job loss at hindi magandang epekto sa investments.
Ani Ortiz-Luis, ngayong nai-veto na pangulo ang panukalang batas ay gagawin ng ECOP ang lahat para bantayan ang kanilang hanay.
Ito ay upang masiguro niyang mawawakasan na ang practice ng ‘endo’ sa mga kumpanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.