Inirerespeto ng Department of Transportation (DOTr) ang kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno na i-ban ang mga e-tricycles sa lungsod.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure Mark Richmund de Leon nasa poder ng mga local government unit ang pagbibigay prangkisa upang makapag-operate ang mga tricycle sa kanilang hurisdiksyon.
Nilinaw din ni De Leon ang naunang
Memorandum Circular na inilabas ng DOTr at Department of Interior and Local Government na nagbabawal sa mga tricycle sa national roads.
Nakasaad anya sa Joint Memorandum Circular ng dalawang ahensya na ang operasyon ng mga tricycle ay dapat sa mga municipal at city roads.
Binibigyan naman nito ang LGU na kapangyarihan na payagan ang pagdaan ng mga tricycle sa national hiway kung walang ibang daan o walang ibang mode of transportation sa lokalidad.
Idinagdag pa ng opisyal na kailangang maglabas ang memorandum ang LTO may kaugnayan sa pagpaparehistro ng mga e-trikes, e-bikes, at e-scooters.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.