Rider patay matapos bumangga ang motorsiklo sa nakaparadang pangbakbak ng aspalto sa Cainta

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 11:48 AM

File Photo
Patay ang isang motorcycle rider matapos sumalpok at pumailalim sa isang rotor mill o pangbakbak ng aspalto sa Felix Avenue sa Cainta, Rizal, Biyernes (July 26) ng madaling araw.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Cainta Police, lasing umano ang rider at mabilis ang andar ng motorsiklo nito.

Wala din itong suot na helmet at ibang safety gear.

Hindi niya napansin ang nakaparadang rotor mill kaya binangga niya ito at pumailalim pa ang motorsiklo.

Nawasak ang motorsiklo at nabali ang ilang bahagi ng katawan ng rider.

Walang lisensya na nakuha ang mga otoridad mula sa biktima kaya hindi ito agad nakilala.

TAGS: accident, cainta, motorcycle rider, Radyo Inquirer, accident, cainta, motorcycle rider, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.