Kampo ni alyas Bikoy may hawak umanong matibay na ebidensya laban sa grupo ni VP Robredo

By Erwin Aguilon July 26, 2019 - 11:41 AM

Iginiit ng kampo ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy na mayroon silang mga ebidensya na magdidiin kina Vice President Leni Robredo at iba pa sa kasong sedition.

Ayon kay Atty. Larry Gadon, abogado ni alyas Bikoy na mayroon silang mga kopya mg text messages at emails mula sa kampo nina dating Senator Antonio Trillanes na kasama sa sinampahan ng reklamo.

Nakasaad anya rito ang mga plano ukol sa Oplan Sodoma para pabagsakin ang administrasyon.

Gayunman, tumanggi si Gadon na ipakita ito sa media.

Nanindigan din ito na nakakapasok sa Ateneo de Manila University si alyas Bikoy kahit na sinasabing wala ang pangalan nito sa logbook.

Hindi anya nakapagtataka na walang makikitang pangalan ni Advincula sa logbook dahil Pablo Jose Magno ang pangalan na nakalagay sa kanyang mga ID na ibinigay ng chief security ni Trillanes.

Mayrron anya itong IDs tulad ng SSS, PRC at drivers license na pinagawa nina Trillanes na hindi pangalan ni Advincula pero andon ang kanyang larawan.

Bukod pa anya ito sa mga susi ng mga apartment na kanyang tinirahan na pag aari ng Ateneo de Manila University.

TAGS: Alyas Bikoy, oplan sodoma, Peter Advincula, VP Leni Robredo, Alyas Bikoy, oplan sodoma, Peter Advincula, VP Leni Robredo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.