Sa isinagawang survey ng Pulse Aasia mula June 24 hanggang 30, lumitaw na 36 percent ng mga Pinoy ang nais na hilingin ng pamahalaan sa China na parusahan ang kanilang mamamayan na sangkot sa insidente.
Ang Metro Manila ang may pinakamataas na porsyento na nakapagtala ng 46 percent at ang Luzon ay 45 percent.
23 percent naman ang naniniwalang hindi lang dapat ang Chinese crew ang managot sa nangyari kundi maging ang gobyerno ng China.
Dapat umanong magbayad ang pamahalaan ng China sa pinsala na natamo ng Gem-Ver 1.
19 percent naman ng respondents ang nagsabing dapat litisin dito sa Pilipinas ang mga Chinese crew na sangkot.