36 percent ng mga Pinoy gustong mapanagot ang mga Chinese crew na sangkot sa Recto Bank incident – Pulse Asia

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 10:01 AM

Apat sa bawat sampung Filipino ang nais na mapanagot ang mga crew ng Chinese Vessel na nag-abandona sa mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank.

Sa isinagawang survey ng Pulse Aasia mula June 24 hanggang 30, lumitaw na 36 percent ng mga Pinoy ang nais na hilingin ng pamahalaan sa China na parusahan ang kanilang mamamayan na sangkot sa insidente.

Ang Metro Manila ang may pinakamataas na porsyento na nakapagtala ng 46 percent at ang Luzon ay 45 percent.

23 percent naman ang naniniwalang hindi lang dapat ang Chinese crew ang managot sa nangyari kundi maging ang gobyerno ng China.

Dapat umanong magbayad ang pamahalaan ng China sa pinsala na natamo ng Gem-Ver 1.

19 percent naman ng respondents ang nagsabing dapat litisin dito sa Pilipinas ang mga Chinese crew na sangkot.

TAGS: pulse asia, Recto Bank, survey, pulse asia, Recto Bank, survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.