DOH, LGUs sa Western Visayas sanib-pwersa vs dengue outbreak

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 09:49 AM

Nagsanib na ng puwersa ang Department of Health (DOH) at ang mga lokal na pamahalaan sa Wrstern Visayas laban sa dengue outbreak.

May kaugnayan pa rin ito aa kautusan ni Health Secretary Francisco Duque III na paigtingin ang kampanya laban sa nakamamatay na kagat ng dengue mosquito sa rehiyon.

Sa record, sa ika-28 Morbidity Week o January 1 hanggang July 13, 2019, may kabuuang 18,834 kaso ng dengue ang naitala ng DOH Center for Health Development sa Western Visayas (DOH CHD WV), o 259 % na pagtaas kumpara sa katulad na petsa noong 2018 na 5,251, na dito ang lalawigan ng Aklan ang may pibakamataas na rate na 406, o 2,460 kaso kontra 678 noong 2018 habang ang Guimaras ang may pinakamataas na paglobo ng kaso na 1,258 % o 384 na kaso kumpara sa 52 noong isang taon.

Mayroon na ring 94 na namatay sa rehiyon, kung saan ang Negros Occidental ang may pinamakaraming bilang ng namatay na 24.

Sa ngayon ay nasa ilalim na ng dengue outbreak sa limang lalawigan sa rehiyon: Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at ang highly-urbanized City na Iloilo City.

Dahil sa dengue outbreak, nagdeklara na ng state of calamity ang mga lalawigan ng Iloilo at Antique gayundin ang mga bayan ng Culasi at Sebaste sa Antique at Maasin, Iloilo.

TAGS: Dengue, dengue outbreak, department of health, western visayas, Dengue, dengue outbreak, department of health, western visayas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.