Lima arestado sa pagkakasangkot sa investment scam sa Bukidnon; P612M na cash nakumpiska
Arestado ang limang katao sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Region X (Northern Mindanao) sa Maramag, Bukidnon.
Ang mga suspek na kinilalang sina Emeliana Fernandez, Ernie Oliquino, John Lister Pacunayen, Ojelyn Busbos at Merlyn Perez, ay pawang empleyado ng JA Mining Ventures at pinaniniwalaang sangkot sa investment scam.
Isinilbi ng mga otoridad ang search warrant sa kumpanya dahil sa paglabag sa Republic Act 8799 o Securities Regulation Code.
Nakatakas naman ang isang Jovito Ompong at patuloy pang pinaghahanap.
Nakumpiska sa mga suspek ang cash na nagkakahalaga ng P612,903,552, ilang piraso ng blank certificate of investment forms, 800 na piraso ng acknowledgement receipt na may pangalan ng mga investor, 30 piraso ng special power of attorney, isang laptop, isang desktop computer, anim na cellphones, tatlong printers, dalawang bill counter machines, at iba pang mga gamit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.