Lalaki natagpuang patay, may piring at itinali sa poste sa Talisay City, Cebu

Isang lalaki ang natagpuang patay, may piring sa mata at nakatali sa poste sa Talisay City, Cebu.

Tadtad ng tama ng bala sa katawan ang lalaki na kinilalang si Gerh Segue, residente ng Sitio Sombrea, Lawaan II, sa Talisay City.

May karatula din na isinabit sa kaniyang dibdib na may nakasulat na katagang “tigil na kasi kayo kung ayaw nyong isunod kayong mga pushers at killer at drug lords”

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

Read more...