Pagkalugi ng kumpanyang Mattel naibsan; kumita ng bahagya sa kanilang ‘Barbie’ at ‘Toy Story 4’ collections

By Dona Dominguez-Cargullo July 26, 2019 - 08:28 AM

Naibsan ng bahagya ang pagbaba ng benta ng kumpanyang ‘Mattel’ na kilala bilang maker ng ‘Barbie’.

Bagaman bumaba pa rin ang benta, mas lumiit ang loss ng Mattel sa ikalawang quarter ng taon kumpara ng parehong period noong nakaraang taon.

Ayon sa Mattel, $108 million na lang ang naitala nilang pagkalugi sa 2nd quarter kumpara sa $240.9 million noong nakaraang taon.

Nakapagtala ng 2 percent na pagtaas sa kita na $860.1 million.

Sinabi ng Mattel na nakatulong sa kanilang benta ang mga laruan ng Toy Story 4.

Iniulat ng Mattel na bumaba ang kanilang sales sa infant, toddler at preschool toys dahil sa paghina ng benta ng Thomas & Friends at Fisher-Price na gamit at laruan.

TAGS: barbie, BUsiness, mattel, Toy Story 4, toys, barbie, BUsiness, mattel, Toy Story 4, toys

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.